Historikal na Pagsusuri sa Himagsik ni Francisco Balagtas
Krezia Marie Gustilo 8 Tuburan Historikal na Pagsusuri sa Himagsik ni Francisco Balagtas Marami na ang mga pangyayari ngayon sa ating bansa na ating maihahalintulad sa mga himagsik na isinulat ni Balagtas sa kanyang akda na Florante at Laura. Matapos mawala si Selya sa piling ni Francisco Balagtas ay sobrang lungkot ang naramdaman niya kaya sumulat siya ng isang akda. Sinama niya sa akdang ito ang mga pangyayari na nagaganap noon sa pamamagitan ng pagsusulat niya ng mga himagsik. Isa sa mga himagsik na ito ang himagsik laban sa maling pangangakad ng pamahalaan. Ang himagsik laban sa maling pangangalakad ng pamahalaan sa Florante at Laura na isinulat ni Francisco Balagatas ay tungkol sa hindi pantay na pagtatrato ng mga Kastila noon na namamahala ng pamahalaan sa mga Pilipino. Dito ay inilarawan ni Balagtas ang masamang pamamahala ng mga Kastila sa pamahalaan, pagmamaltrato nila sa mga Pilipino ...