Historikal na Pagsusuri sa Himagsik ni Francisco Balagtas


Krezia Marie Gustilo
8 Tuburan

Historikal na Pagsusuri sa Himagsik ni Francisco Balagtas
    
    Marami na ang mga pangyayari ngayon sa ating bansa na ating maihahalintulad sa mga himagsik na isinulat ni Balagtas sa kanyang akda na Florante at Laura.

     Matapos mawala si Selya sa piling ni Francisco Balagtas ay sobrang lungkot ang naramdaman niya kaya sumulat siya ng isang akda. Sinama niya sa akdang ito ang mga pangyayari na nagaganap noon sa pamamagitan ng pagsusulat niya ng mga himagsik. Isa sa mga himagsik na ito ang himagsik laban sa maling pangangakad ng pamahalaan.

     Ang himagsik laban sa maling pangangalakad ng pamahalaan sa Florante at Laura na isinulat ni Francisco Balagatas ay tungkol sa hindi pantay na pagtatrato ng mga Kastila noon na namamahala ng pamahalaan sa mga Pilipino. Dito ay inilarawan ni Balagtas ang masamang pamamahala ng mga Kastila sa pamahalaan, pagmamaltrato nila sa mga Pilipino at ang hindi pantay na karapatan sa pagitang ng mga Kastila at Pilipino. Ito ay aking maihahalintulad sa mga nagaganap ngayon sa bansa dahil sa panahon ngayon hindi pantas ang mga oportunidad  na ibinibigay ng gobyerno sa mga mahihirap kumpara sa mga mayayaman. Katulad nalang sa ipinatupad na train law kamakaylan lang. Ang TRAIN law ay hindi nagbibigay ng pantay na benepisyo para sa mahihirap. Ang mga mamamayang mayroong sweldo na mababa sa 250000 pesos ay hindi na kailangang magbayad ng buwis kapalit ng pagtaas ng presyo ng mga produkto gaya ng kalamay, gasolina at iba pa. Kung iisipin natin ng maigi, makakabenepisyo ba ang mga ordinaryong mamamayan sa ganitong klaseng pamamalakad? Maraming mahihirap na mamamayan ang nagtatrabaho ng hindi na nangangailangang magbayad ng buwis. At kung iisipin, wala silang makukuhang benipisyo sapagkat wala namang magbabago dahil wala naman talaga silang binabayaran na buwis. Mas mahihirapan pa sila dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin. Kaya inihahalintulad ko ito sa himagsik ni balagtas sapagkat ang isyu na ito ay katulad nalang nangnayari noon sa panahon ni balagtas na hindi pantay ang karapatan ng mga Pilipino at Kastila noong ang mga Kastila pa ang namamahala sa pamahalaan, ngunit ang isyung ito ngayon ay tungkol lang sa hindi patas na mga iportunidad na ibinibigay ng gobyerno sa mga mayayaman at mahihirap pero itong dalawang 'to ay maiihalintulad parin sa isa't isa dahil hindi pantay ang pamamalakad ng pamahalaan.

     Isa rin sa mga ipunatupad ng mga kastila na masasabing pagmamalupit nila sa mga Pilipino ay ang Monopolyo sa tabako na initatag ni Basco upang lumaki ang kita ng pamahalaan. Pinapatanim nila ang mga Pilipinong magsasaka ng tabako sa kanikanilang lupa at sila lamang ang puwedeng bumila ng mga tabakong ito. Lumaki nga ang kita ng pamahalaan ngunit ang mga ito ay hindi patas sa mga magsasaka sapagkat kapag sila ay nasalanta ng bagyo ay pinamumulta sila at ang masama pa d'yan ay binabawian pa sila ng lupa. Isa rin dito ay ang perang bayad dapat sa mga magsasaka na ito ay binubulsa ng mga inspektor na gahaman.

Sources:
http://www.dof.gov.ph/taxreform/
https://www.slideshare.net/mobile/maallezza/presentation-phil-history
https://www.slideshare.net/mobile/chikath26/aralin-2-ang-pangkabuhayan-sa-pamamahala-ng-mga-espanyol
https://www.slideshare.net/mobile/lovebordamonte/apat-na-himagsik-ni-francisco-balagtas



Comments

Post a Comment